Si Sam ay isang babaeng walang magawa sa buhay. Kumbaga,lagi na lang syang bored kung kaya't iba't- ibang kalokohan ang mga ginagawa nya na naging dahilan para makick out sya. Sa huling pagkakataon, at sa panghuling school, bago pa pumasok ay binili na nya ito para hindi na sya makick-out. Alangan naman patalsikin sya sa sariling school diba? Sa loob ng school na yon, doon sya hindi nakaramdam ng bored. Nahanap nya ang matagal nya ng hinahanap. Pero ang akala nyang kumpleto na ay kulang pa pala. May kulang pa sa puso nya.