Pababa na ko ng sasakyan nang bigla akong hinila ni Mark, "Raf, tingnan mo yun oh, Ang kinis ng legs! shit! Pormahan mo! Tapos ireto mo ko." siniko ko yung tagiliran niya dahil sa kahibangan na naiisip niya.
"Wag mo nga akong igaya sayo." nilayuan ko siya.
Sa counter kaming lahat umupo. Um-order muna ng kani-kanilang shots bago pa magsi-puntahan sa dance floor. Hindi ako pumunta sa dance floor pero puro lagok ako ng tequila.
"CR lang ako."
Patungo akong CR nang may narinig akong malakas na hampas. Napalingon ako sa kung saan nanggaling ang tunog. Nakita ko si Mark na namumula ang pisngi habang nakangiti. Tarantado talaga to, walang patinag. Pumasok ako ng CR at lumabas din agad pagkatapos gawin kung anong dapat gawin.
Pagkalabas ko, nakasabay kong lumabas ang isang babae na naka black na polo at shorts at yung sapatos na may tali hanggang legs. Anong tawag don? eh basta. Mukha siyang tipsy at frustrated at the same time.
"What?" hindi ko namalayan na nakaharap na pala siya sakin.
"Wala." sabi ko at akmang aalis pero hinawakan niya ang braso ko.
"Dito ka lang. Di pa kita pinapaalis ah, bastos ka." aniya sabay bitaw sa braso ko.
Sinamahan ko siya sa labasan ng CR. She's just looking at me without any impression. Ang cold ng mata niya.
"Ang panget mo, dyan ka na nga." sabi niya sabay crossed arms.
Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Nang iinis ata to eh, Sa lahat ng babaeng nakilala ko, ito lang yung napangitan sakin.
Sinabayan ko siya, "Who are you to talk to me that way?" hinarap ko siya at nakita ang namumula niyang pisngi. She looks drunk.
"Just somebody..." sabi niya ng hindi ako nililingon. "Somebody who's actually ruined." sabi niya sabay punta sa dance floor where she suddenly vanished.
Who is that girl? Mukha siyang wasak ah, Wasak in a brokenhearted way. Gagantihan ko yan someday. I'll meet you and I promise gaganti ako.
TOTGA (Candy Stories #4) (Published under Bliss Books)
54 parts Complete
54 parts
Complete
Engineering students Pfifer and Ivan know that what they have is something special. Without a proper label between them plus an ugly twist of fate, can they manage to be together in the end--or will they remain as each other's TOTGA and nothing more?
***
May feelings na laging nandiyan, nakaabang kung kailan magpapapansin. Nakaabang kung kailan ako titisurin sa mga pamilyar na kanta, lugar, at salita. Magpapaalala sa isang mukha na hindi ko naman gano'n kakabisado pero pamilyar. Magpapaalala sa mga dating pakiramdam.
Malalaman mo raw kung sino ang The One That Got Away mo kapag narinig mo 'yong salita at nakaalala ka ng iisang tao lang; nakatisod ka ng mga dating pakiramdam; nangulila ka sa mga nakaraang saya; nakaalala ka ng mga pamilyar na sakit.
Sabi, time heals wounds at distance makes one forget. Bakit parang hindi naman effective? Bitbit ko pa rin lahat ng what if. Hindi pa rin ako makatakas sa maraming sana.
Ako ba ang bumitiw o siya? Tapos na ba kami talaga?
Ang sarap magtanong kaso...wala nga palang kami noon.
Disclaimer: This story is written in Taglish.