Si Kristoff Park o Park Kyujung sa Korea ay isa sa mga naatasan -- uhm, wait, hindi -- isa siya sa mga naghahanap sa nawawala at nag-iisang prinsesa ng Hanjeong Kingdom. Okay, uulitin 'ko. Hindi siya inutusan! Kusa siyang naghanap! At ito ay dahil sa isang dahilan, at iyon ang dapat nating alamin. Isa siyang mayabang at mahilig sa kasikatan. Gusto niya siya ang nasa itaas. Gagawin niya lahat makuha ang gusto niya. Pero paano kung makuha sa kanya ang gusto niya, gagawa pa rin ba siya ng paraan para makuha ulit 'to? Si Princess Veri ay isang simple, maganda at matalinong estudyante ng Wellington University. Ngunit kahit parang prinsesa na siya sa mga katangian niya at ayon na rin sa pangalan niya, hindi pa rin siya nakuhang magustuhan ng mga tao. To make it short, isa siya sa mga so called, losers ng school na iyon. Ayaw na ayaw niya rin kasi ng fame. Pero paano kung mismong kasikatan na ang lumapit sa kanya, tatanggihan pa ba niya? Paano kung ang dalawang ito ay magkatagpo? Magkakasundo kaya sila? » She's My Princess by frozenyeolgurt