Pakiramdam ko rebound lang ako sa kanya.
Sinanay ko kasi syang nandyan ako palagi para sa kanya.
Tuwing mag-aaway sila.
Tuwing umiiyak siya.
Tuwing maglalasing sya kapag di na nya kaya yung sakit.
Tuwing nalulungkot sya handa ko syang replyan agad para icheer up.
Tuwing nag-iisip sya kung anong surprise para mapasaya yung babaeng minamahal nya.
Tuwing biglaang chat or text nya na kelangan nya daw ako.
Hindi ba pwedeng, ako na lang yung mahalin mo?
Hindi kita sasaktan gaya ng ginagawa nya sayo.
Nandito lang ako palagi para sayo.
Kayang kaya kong suklian ng mas higit pa sa kanya ang pagmamahal mo.
Pwede bang ako na lang yung mahalin mo?
Pwede bang sana ako na lang?