"Tonight I've fallen and I can't get up. I need your loving hands to come and pick me up. And every night I miss you, I can just look up. And now the stars are holding you tonight." Tuwing gabi, tuwing nakikita ko ang mga bituin na nangniningning, naaalala ko na naman ang mga oras noong ika'y aking kapiling. Ang mga kamay mo na nais kong hawakan, bakit ngayon ay ayaw ko nang pakawalan? Gusto kong lagi tayong magkasama't masaya, pero bakit 'di ko na kaya lalo na't wala ka na? Napakasayang silayan ang iyong ngiti, pero ngayon puso ko ay puno ng pighati. Pa'no pa nga ba mabubuo ang "tayo", kung wala nang "ikaw" at "ako"? Sadya nga bang ganito? Hanggang ngayo'y umiiyak parin ang puso ko. Sana paggising ko, Ikaw nalang at Ako.