Tadhana? Destiny? Fate?... Psh, naniniwala ka ba diyan?... Sa dinami-daming mga libro na nabasa ko, sa dinami-daming rom-com movies na nakita ko, nandiyan talaga ang mga salitang iyon.
Naranasan mo na bang ma-inlove sa tao na akala mo na siya na ang nakatadhana mo?... Wala lang, nagtatanong lang, kasi ako, hindi pa. Wala kasi akong oras para sa mga ganiyan... Pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay bigla na lang siya dumating sa buhay ko.
Ito na ba ang tinatawag nilang pag-ibig?
Siya na ba ang nakatadhana sa akin?
Teka....
Ano nga ba ang tadhana, destiny.... Fate?
My name is Destiny Chavez, but you can call me 'Fate'. 'Yan kasi and binigay na nickname sakin nang mga magulang ko. I'm a sweet sixteen year old girl who has a special gift. Or so that's what they say.
Ano ang gift ko? Well... I can predict kung sino ang magkakatuloyan. I just can't tell if coincidental lang talaga or totoo nga na parang ako 'yong tadhana na sinasabi nila.
In my story, marami akong natutulongan na mga 'singels' upang makita nila ang nakatadhana talaga sa kanila... Pero unfortunately, may isang tao lang naman na hindi ko ma predict kung sino ang magkatuloyan niya. At siya ay... ako.