"Lumayas ka sa harapan ko ngayon din!" "Nagkakamali kayo Ama! Hindi ako ang---" hindi ko pa ako natatapos sa aking pagsasalita ngunit pinutol muli iyon ni Ama at nagsalita "Kitang kita ng lahat ang iyong ginawa! Nararapat lamang sa iyong ipatapos sa mundo ng mga tao!" "Pero Ama---" magsasalita sana ako ngunit kinaladkad na ako ng mga kawal habang nagliliyab sa kanilang kamay ang apoy na maya't mayang ibabato nila sa akin pag nagpumilit pa akong bitawan nila. Ganito ang karaniwang pangyayari dito sa aming mundo---masaya pero nakakatakot. Kung ikaw ay isang normal na tao, sa titig lamang nila sa iyo maaari ka nang mamatay. Kaya kung gusto mo pang mabuhay, wag kang magkakamaling kalabanin sila. Ito ang buhay ko----Ako si Fine Agathe. Anak ng isang great great great great great wizard na ipapatapos sa mundo ng mga tao dahil sa isang pagkakamaling hindi ko ginawa. Halika na at saksihan ang kakaibang buhay na aking makikita----sa mundo ng mga tao.
3 parts