Nakaranas ka na ba ng pagka-sawi o kaya'y mabigo sa isang bagay sa iyong buhay? Kung mararanasan mo man ito, Ano ang gagawin mo? Napapansin ko lang kasi na halos karamihan ng tao na nakakaranas ng pagka-bigo sa buhay ay kadalasang napapariwara at nawawala sa tamang landas ang kanilang buhay. Maaaring pagka-bigo man ito sa pag-ibig, sa trabaho o kung ano pa man, at kung minsan pa nga'y yung iba ay humahantong sa pagpapakamatay sa kanilang mga sarili. Ngunit kung maisip mo man na gawin ito... Teka lang muna Kaibigan. Baka may nakakalimutan ka lang tungkol sa iyong sarili. Ang kuwentong ito ay ang pagpapatuloy sa kuwento ng "Lumuluhang Puso at Tumitibok na Luha" na mababasa rin sa wattpad. Ito ang kuwento kung saan Nagbakasyon si Vanz sa kanilang probinsya sa Mindanao. Sa pagpunta niya at pagbalik sa probinsya ay doon niya mararanasan ang panibagong yugto sa kanyang buhay na siyang may ugnayan sa kanyang tunay na sarili. Si Vanz ay isang binatilyong taga-Luzon, simple ngunit may malambot na damdamin minsan. Ang Kaniyang damdamin ay tila magkahalo at tila hindi niya maintindihan. Kadalasan ay naguguluhan siya sa ilang mga bagay pagdating sa kaniyang kalooban. Ngunit sa pagdating niya sa Probinsya. Malalaman kaya niya kung ano ba talaga ang tunay niyang nararamdaman sa kanyang sarili na tila hindi niya maipaliwanag? Upang malaman ang mga nangyari kay Vanz at tungkol sa mga damdaming hindi niya maipaliwanag ay maaaring basahin ang kuwento ng "Lumuluhang Puso at Tumitibok na luha" upang mas maunawaan ang mga mangyayari sa kuwentong ito. (^_^)All Rights Reserved