Sapat na ba ang mga ebidensyang magulo lagi ang damit na parang hahabulin na ng plantsa sa sobrang gusot, gamit na tila ba since grade one pa binili, magulong buhok na pwede nang taguan ng bomba, salaming makapal pa sa balat ng baboy ang grado at laging may hawak-hawak na libro upang matawag si Shania na isang nerd? Hindi yung cool smarty-pants na nerd, yung tipo na sa academics lang ang kayang ipanglaban dahil the rest puro na katangahan. Sya si Shania Cate Quiros, ang ultimate nerd sa Nite University, she do have friends pero paano mo nga ba malalaman ang loyalty nila sayo, she faces different trials, sa buhay niyang walang salitang "ordinaryo" Sa dinami-rami ng problema niya aba, naisipan niya pang idagdag ang lalaking mas pogi pa kay jack frost ngunit kasing lamig naman ni elsa. Ano kakahinatnan ng lahat ng sari-saring bagay na pinipilit niyang ihalo sa gulo-gulo na nga niyang mundo?