Isang anak. Yun lang ang nais niya. Ayaw niyang mag-asawa sa kadahilanang ayaw niya ng sakit sa ulo. Tama na ang isang anak. A child is all she ever need. Pero nagkakamali siya! Iyun ang pagkakaalam niya bago niya makilala ang magiging ama ng kaniyang anak. Ganoon na lamang kabilis nagbago ang kanyang desisyon ganoon na rin ang kanyang damdamin. Ano na kaya ang dapat pa niyang gawin? Hindi ba anak lang ang tangi niyang hinihiling? Ngunit bakit may iba pa? Tila nahuhulog na ang kaniyang loob sa isang binata na ngayon niya lang din nakilala. Nakakapagtaka namang tunay! Nagmamahal na ba siya o pagiging makasarili pa rin ang umiiral sa pagkatao niya?