Nagkaroon na ba kayo ng kaibagan o Best Friend? Na lagi niyong kasama..... Katuwaan.... Kalaro... At higit sa lahat ay kadamay. Kadamay sa lahat, sa mga masasaya o malulungkot na araw. Yung kahit anong mangyari, hinding hindi ka niya iiwan. Sa lahat ng bagay ay lagi mong kasama. Yung kahit nakagawa ka ng hindi maganda, nandiyan siya para itama ito. Yung mga bagay na nagawa mo na masama para sa iba, ngunit para sa kanya ay ay hindi naman ganon kasama at para sa kanya alam niyang may dahilan ka kung bakit mo iyon nagawa. Yung mga bagay na gusto munang kalimutan at lagi syang nandiyan para tulungan kang makalimot. Yung mga oras na kailangan mo ng kausap or makakapitan lagi siyang nandiyan sa tabi mo at hinding hindi ka iiwan. Sa mga oras na hindi mo alam ang gagawin mo nandyan siya para tulungan ka. Sa lahat ng oras na kailangan mo nang taong masasandigan lagi syang nandyan. Sa malungkot o masasayang araw, oras, minuto lagi siyang nandiyan para sayo. Ako meron akong ganong kaibigan na sa lahat ng oras na kailangan ko siya, lagi siyang nandiyan para damayan at tulungan ako. Pero hindi sa mahabang panahon pwede kaming magsama dahil sa paglipat nya ng ibang paaralan, kaya kami nagkahiwalay. Pero hinding hindi ko hahayaan na sa paglipat nya ng ibang eskwelahan ang makakasira sa aming pagkakaibigan. Pero sa pagkakataong ito magkikita pa kaya kami o magkakasama pa ba at maibabalik pa kaya namin ang aming pagkakaibigan? Magkakaroon pa kaya kami ng panahon para magkitang muli? Sana oo, dahil kahit kailan hinding hindi ako susuko at maghihintay parin ako hanggang sa magkasama ulit kami. Kahit ano pa ang mangyari hinding hindi ko hahayaan na hindi kami mag kita. Dahil gagawin ko ang lahat para magkasama kami ulit.