Hi, ako si April at ito ang kwento ko tungkol sa nakaranas na akong umiibig, nasawi at pagbangon. Inaamin ko, naging tanga ako sa pag-ibig dahil nagmahal ako sa isang lalaking minahal ko nang sobrang-sobra. Nakilala ko sya sa isang piyesta sa lugar namin. Inaamin nya na may gusto sya sa akin. Narealize kong naiinlove ako sa kanya dahil he is so gentleman, handsome, at higit sa lahat mapagmahal sa sarili nyang gf na kagaya ko. Hanggang sa hindi ko na sya makikita kasi mag-aaral na sya ngayon sa pribadong eskwelahan. tapos ako public school lang. pero, anong nangyari??? Naging cold sya sa akin sa araw ng pasukan. binabalewala nya ang text at tawag ko. Tapos, yung pinagsamahan namin parang wala lang. In October 2017, doon ko nalaman na may iba pala syang mahal at yun ay ang kaklase nya. sa school. Halos wasak na wasak na ang puso ko dahil naging tanga ako sa kanya. Akala ko, ako pa ang mahal nya pero yun pala pinagpalit nya ako sa isang model na kaklase nya. Buti na lang, nandito na ang mga kaibigan ko na tumulong sa akin kung paano ako magmove on. Hanggang sa marealize ako na hindi sya ang lalaking minahal ko. Sa ngayon, natuto na ako. Nagmahal...nasaktan...bumangon. At ngayon babangon na ako at kakalimutan ko ang mga masasakit na nakaraan. Kakalimutan ko na ang lalaking akala ko ay minahal nya ako nang lubusan na sinaktan nya ang damdamin ko. Haharapin ko ang mga masasayang alaala nang wala sya. At the end of my journey, may isang lalaki ang syang dahilan ng pagkalimot sa nakaraan hanggang sa nabuksan ko ulit ng bagong pag-ibig.