Sa paghahanap ng katahimikan pagkatapos mamatay ng kapatid niya, napadpad si Georgina sa isla ng Boracay. Doon, umasa siyang makakalimutan niya ang nakaraan pati na si Lee.
But when she thought she's doing a good job, nagtagpong muli ang landas nila ng binata. Naniningil ito sa ginawa niyang kagagahan noon, bagay na naging dahilan para hindi matuloy ang kasal nito sa fiancée na si Chantal.
"Do you still love me?" tanong sa kanya ni Lee.
Siyempre, matigas ang pag-de-deny niya. Pero nanganganib na matuklasan ni Lee na nagsisinungaling siya nang marinig niya ang hinihingi nitong kabayaran sa nagawa niya two years ago. But saying no is not an option. Mabubunyag sa buong Pilipinas ang ginawa niyang kagagahan sa bachelor's party nito.
WARNING: Contains scenes not suitable for readers below 18 y/o. Reader discretion is advised.Hak Cipta Dilindungi Undang-Undang