Pano nga ba ang magmahal?
Kailangan ba talagang masaktan muna bago ka maging masaya?
Meet MaryDale Montemayor,
ang nag iisang anak at heridera ng pamilya Montemayor. Isang dalagang nagtatago sa isang karakter na hindi sya, pagkataong matagal din niyang suot suot kahit san man siya magpunta. Isang dalagang lumaking walang alam kahit na isang emosyon. Ang nag iisang tao sa buong mundo na iisa lang ang kayang gawin at pwedeng gawin. At yun ay ang sundin ang lahat ng kagustohan ng pamilya niya para sakanya. Kahit na nga ba, tutol talaga ang totoong namang siya.
One fine day makakakilala siya ng mga taong tutulong sakanya para makalaya pansamantala sa hawlang ilang taon rin niyang kinasadlakan. Mga taong magtuturo sakanya kong pano ang mabuhay, mabuhay ng walang ibang iniintindi kundi pano umusad hanggang bukas.
At dito niya makikilala ang nag iisang lalake na unang magpapatibok ng puso niya, unang lalaking mananakit sakanya, at ang kauna unahang lalaking magpapa iyak sakanya. Magpaparamdam na ang buhay ay di lang puro sarap. Na kailangan ding masaktan, para mas tumapang sa hinaharap.
MonteMayor Clan/FAMILY -
-- Kinikilala bilang numero unong pinaka makapangyarihan sa buong ASYA. Nangunguna at walang pumapangalawa.
Pinakamahalagang bagay para sakanila, 'IMAGE'
- Mayaman, napaka yaman, sobrang yaman na kahit na ano o sino ay kaya nilang bilhin ng pera, may nag iisang taga pagmana lamang. At sa kasamaang palad ito ay babae pa.