"G-gusto ko ng mamatay." Sabi niya at akmang tatalon na sa tulay. "W-wag!" Sigaw ko at dali daling hinawakan ng mahigpit ang damit niya. Ngumiti naman siya ng mapakla habang nakatingin parin sa kawalan. "Miss kung naawa ka man sakin, o nakokonsensya ka dahil may makikita kang magpapakamatay. Bibigyan kita ng 15 segundo para umalis na dito at kalimutan na yung mga nakita mo." Mas hinigpitan ko pa lalo ang paghawak sa damit niya. Ano siya siniswerte? Matapos kung makita ang lahat ng ito, akala niya makakalimutan ko agad iyon? Sorry ka nalang kuya, hindi kita hahayaang magpakamatay. "I'll give you 11 reasons and 3 wishes." Tumingin siya sa akin bigla at nakikita ko ang gulat na ekspresyon sa kanyang mukha. "Ha ha ha. Nagsasayang ka lang ng oras mo miss. 11 reasons? Na ano? 3 wishes? Ano ka genie? Umalis ka na nga sa harapan ko! Hayaan mo na ako. Just mind your own business!" "11 reasons that you shouldn't die. I'm not a genie but so what? Genie lang ba ang pwedeng mag grant ng mga wish?Tutuparin ko ang 3 wishes mo hanggang sa makakaya ko." I said confidently. "deal... "