"Ano bang alam mo? Wala ka ngang boyfriend, e. Paano mo nasasabing gano'n nga ang mangyayari? Nakipag-cool off ka na ba at nakahanap na ng pampalit mo?"
Nagulat kami ng balingan niya ako at tignan ng masama.
"Nagbibiro lang siya, 'Yan," depensa sa'kin ni Lucas.
"Ano bang alam mo? Wala ka ngang boyfriend, e. Paano mo nasasabing gano'n nga ang mangyayari? Nakipag-cool off ka na ba at nakahanap na ng pampalit mo?"
"'Yan, chill. Nagbibiro lang siya," sabi ni Darren.
Umigting ang panga ko. "Tama ka. Wala nga akong boyfriend. Kasi nang huli akong magkaroon, nakipag-cool off ako. Ano nga bang alam ko? E hindi naman ako ang kapalit. Ako lang naman ang pinalitan. Kaya sorry kung um-epal ako ha? Wala kasi akong alam sa mga ganyang bagay. Ang alam ko lang ay ayoko nang maulit sa'kin 'yon. Sorry ulit."
TOTGA (Candy Stories #4) (Published under Bliss Books)
54 parts Complete
54 parts
Complete
Engineering students Pfifer and Ivan know that what they have is something special. Without a proper label between them plus an ugly twist of fate, can they manage to be together in the end--or will they remain as each other's TOTGA and nothing more?
***
May feelings na laging nandiyan, nakaabang kung kailan magpapapansin. Nakaabang kung kailan ako titisurin sa mga pamilyar na kanta, lugar, at salita. Magpapaalala sa isang mukha na hindi ko naman gano'n kakabisado pero pamilyar. Magpapaalala sa mga dating pakiramdam.
Malalaman mo raw kung sino ang The One That Got Away mo kapag narinig mo 'yong salita at nakaalala ka ng iisang tao lang; nakatisod ka ng mga dating pakiramdam; nangulila ka sa mga nakaraang saya; nakaalala ka ng mga pamilyar na sakit.
Sabi, time heals wounds at distance makes one forget. Bakit parang hindi naman effective? Bitbit ko pa rin lahat ng what if. Hindi pa rin ako makatakas sa maraming sana.
Ako ba ang bumitiw o siya? Tapos na ba kami talaga?
Ang sarap magtanong kaso...wala nga palang kami noon.
Disclaimer: This story is written in Taglish.