Isang lalaki na pinapangarap ng lahat. Mahirap abutin, ang hirap umarte upang mapansin.
Isang titig lang tiyak na mahuhulog ka. He has it all.
The looks, brain, talents except the attitude. He never showed his attitude to anyone.
Masungit siya, mayabang at pinapamuka sa lahat ng tao na siya lang ang masusunod sa University nila.
Napaka negative niyang tao na para bang pasan niya buong mundo.
Tuwing siya'y dadaan, lahat ng mga babae ay nanlalambot. Nahuhulog.
Ultimo kanyang mga kaibigan eh kinaiinggitan na siya.
Si Andrea Elize Bartolome naman o kilala bilang Elize ay kaibigan ng mundo.
Halos lahat ata ng dumaan kilala na niya. Simple siya, makulit, kaso napaka immature kapag barkada niya ang kasama.
Para sa kanya positive lang lahat. Masiyahin siya. Ngunit may dahilan kung bakit.
Hindi siya marunong mag ayos pero kitang kita mo sa kanya na ang ganda ganda niya.
She loves to help people who's hard on themselves. Feeling close siya sa lahat kung kaya't kinaiinggitan rin siya.
Pero ayaw niya magpatalab sa kayabangan ni Black. Galit siya rito.
Paano kung magtagpo silang dalawa? Sino kaya mas malakas na makaimpluwensya? Kaya ba nilang baguhin ang isa't isa? Magkakasundo kaya sila?
Pero hindi sa lahat ng storya ay ganoon ang nangyayari. Maaaring may gumive up, may maaaring kumapit parin.
May dahilan kung bakit ayaw ni Black na kulayan ang buhok niya ng itim. At yon ang natatanging dahilan na gusto malaman ni Elize.
Malalaman niya pa kaya?