"Ako na bahala sa burol ni Nanay Inday at sa tuition mo" sabi ni Koko. "Basta paliligayahin moko araw araw at lahat ng gusto ko susundin mo" dagdag pa niya. Inisip ko muna kung ano yung ibig sabihin niya. Wala akong kaalam alam sa mga sinasabi niya basta ang naintindihan ko lang ay siya na daw ang bahala sa burol ng Mama ko at sa pag aaral ko. "Ano? Deal?" Sabi ni Koko. Nun ko lang naisip na tulala ako kakaisip kung ano yung ibig niyang sabihin. "DEAL!" Kaya yan na lang nasabi ko dahil hindi ko din alam kung saan ako kukuha ng pera para sa burol ni Mama.