Rosally Eustacia Ricaforte is the perfect girl of Arcena. Halos lahat ng ninanais ay nasa kanya na! Pera, kagandahan, kaibigan at kasintahan. Kung tutuusin nga'y isang pitik lang ng kanyang daliri'y ihahain na sa kanya. Pero bakit may isang tao siyang hindi makuha? Kabaliktaran ng kanyang estado ay ang isang lalaking hinding hindi niya mahinuha. Para bang ayaw na ayaw siya nito. Pero hindi kasama sa bokabolaryo niya ang umatras. Kahit na alam niya ang pagitan sa kanila'y nagpumilit siyang pumasok sa buhay ni Perseus. Na para bang lahat ng mayroon siya'y kaya niyang talikuran para tuluyan itong makuha. Ngunit hindi. Nagkamali siya. Pinagsisihan niya ang pagliyab ng apoy sa kanyang loob. Dahil isang hakbang lamang ang naging dahilan upang matupok ang apoy ng pagmamahal at mapalitan ng nagliliyab na galit.