Pinagpustahan niyo lang pala ako, Bakit kasi nagbulagbulagan at nagbingibingihan ako? Sana ay hindi ako nasasaktan ng ganito. Umasa kasi akong mayroong ikaw at ako. Napakagaling mong maglaro pati ako ay naloko mo. Hindi na kita guguluhin kung ayon ang gusto mo. Hindi na rin ako maniniwalang mahal mo ako, Papatayin ko ang pagasang inaasam asam ko sa salitang magiging tayo hanggang dulo. Pero pinapangako ko, Sa pagdating ng panahon, Limot na kita, At masaya na ako sa buhay na mayroon ako.