Pinili kong magpakabasa sa matinding buhos ng ulan habang ako'y nakatindig sa ilalim ng kumikinang na langit kung saan ang mga bitwin ay masayang nagkikislapan. Habang naglalakad sa tahimik na kalsada ay hindi ko mapigilang ibalik ang mga luhang nag-uunahang pumatak sa aking mga mata. Tubig ulan at mapait na luha ang tanging mayroon ako. Kalakip ng aking kamay na nanginginig ay ang litratong minsang nagbigay buhay sa aking madilim na nakaraan. Huminto ako at napaisip. Napaisip sa mga nangyari sa loob ng walong oras. Napaisip na sa kaunting oras na iyon ay maaaring madurog ang pinaka-iniingatan kong puso. Hinayaan ko ang mga luha. Hinayaan ko ang masakit na kirot. Nagpatuloy ako sa paglalakad habang nakatatak sa aking isipan ang katagang "HIGANTI".All Rights Reserved