Kabilugan ng buwan. Narinig ang isang nakakatakot at maharot na musika. At nagsimula ang ritwal ng isang babae at lalaking nakaitim ang magaganap na pag-aalay sa sanggol na nasa malaking tiyan ni Itang na nakatali sa isang makipot na lamesa. Sumasayaw-sayaw sila ng may kalaswaan. At nang matapos ang awitin ay isang punyal ang dinampot ng lalaki. Nakangising unti-unting lumapit iyon kay Itang upang wakwakin ang tiyan at kunin ang sanggol. Excited na ang isandaang kataong miyembro ng kultong nangakaupo sa lupa at nanunuod ng ritwal. Umiiyak at nagpupumaslag naman ang buntis na si Intang. Ito na ba ang kanyang katapusan?