Dahil may subject na Paranormal 101 sina Nerry sa course niyang Information Tech, wala silang choice kung 'di gawin ang finals nilang Paranormal Activity. Nagkaroon ng limang groupings ang section nila at napasama si Nerry sa Group 5 kasama ang lider ng klase na si Ar. Ang napili nilang gawing subject para sa activity na gagawin sa halos anim na araw hanggang isang linggo, ay ang haunted na bahay ng mga Clemente sa Mega Heights Subdivision na matagal nang inabanduna dahil sa kababalaghang naganap noon. Malalaman kaya ng grupo nina Nerry ang nasa likod ng kwento ng haunted na bahay ng mga Clemente? Paano kung mas malala pa pala ang naghihintay sa kanila? Wala sa oras na mapapaniwala sila sa beyond normal. Sa paranormal. Sa loob ng anim na araw.
37 parts