HORROR|MYSTERY|ROMANTIC|COMEDY "Tumatakbo ka daw sa isang madilim na lugar kung saan marami raw ang humahabol sayong mga nakakatakot na tao. Hindi mo daw alam kung san ka pupunta. Wala ka daw ibang makita kundi kadiliman sa buong paligid. Sigaw ka daw ng sigaw. Humihingi ka daw ng tulong sa di pamilyar na pangalan. Hanggang sa di kalayuan, may natanaw kang isang Lampara. Lampara na nagmumula sa isang taong may hawak nito. Lumapit ito sayo't hinawakan ang isa mong kamay. Magkahawak kamay daw kayong tumakbo sa kawalan. Takbo lang daw kayo ng takbo kung saan saan habang patuloy na dumadami yung mga humahabol sa inyo. Pero ni saglit di nya binitawan ang kamay mo. Hanggang sa wakas, may natanaw kayong liwanag. Sabay nyo yung tinungo, pero nung malapit na kayo sa bukana, bigla syang huminto't may ibinulong sayo na sa tingin ko'y napaka importante..."