May mga araw na itunutulak tayo pabalik sa ating pagkabata. May mga oras na dahan-dahan tayong hinihimas ng mga masasaya't malulungkot na araw ng ating kabataan. Hindi masama ang dumungaw pabalik sa ating pinanggalingan. Aminin man natin o hindi, doon tayo humuhugot na lakas sa kasalukuyan. Siya nga pala, pinapaalala ng kabataan kung saan tayo unang natutong lumipad.