Bola, isang bilog na bagay, na kung tutuusin ay maihahambing sa sitwasyon na kinakalagyan ni Raven Fortaleza. Siya'y hindi mo matatawag na pinaglalaruan, kung sa katunayan, ay ikinasasaya ng kanyang pagkatao ang mapasakamay ng kung sino mang mga manlalaro, na nag-hihintay na mapansin niya. Hanggang sa maka score at makapasok sa butas na kanyang mga target. Ngunit, katulad nga rin ba ng pag lalaro ng iba ang kahahantungan ng buhay ni Zhanaya Baldomero? Si Zhanaya ay takot sa bola, lalo na sa pagkakataon na ang tadhana ay siya ngang tunay na mapag laro at hindi sinasadya na sa lugar niya papatungo ang bangis ng bola na ito. Sa totoo ay takot siya, masaktan. Ang pag tatagpo kaya ng landas ng dalawa ay sa kadahilanang pinasa na naman ng manlalaro ang bola? o sa posibilidad na kusa na siyang nahuhulog? Teka, Kanino? Sa panibago na naman bang manlalaro? Oh, sa babae na nag ngangalang Zhanaya? Eto na kaya ang mag bibigay posibilidad na ang dating matigas at may kakayahan na mahawakan ng lahat ay matitigil na? Sa pagsisimula ng kanyang paglambot, hindi na niya magagawang tumakas sa pagkakahagkan sa mga palad ng taong ito. Hindi niya lalaruin ang bola, hindi niya hahayaan na makipag laro pa siya, aangkinin niya ito. Mananatili siya, at hindi na muling bibigyan ng pag kakataon na mapasakamay pa ng iba ang kan'yang pag-aari. Hindi niya hahayaan na mabusog na naman ng hangin ang kalooban ng bola, upang maging dahilan ito ng muling pagtalbog. Pero ang huling katanungan, May babae kayang mag bibigay ng pansin, hindi babaliwalain at maglalakas loob na saluhin ang pag hulog ng mapag-larong bola? Ng mapag-larong Raven Fortaleza.