Role Playing World. Isa ka bang Rper?
Kung ganun, alam mo kung para saan ang mundong ito.
Bukod sa pagtulog, isa ito sa mga paraan para makatakas sa realidad.
Kumbaga..
'Deactivation of Real Life'
Hindi ba?
Kahit sino, pwede mong i-port. Ultimo garapata ng aso niyo, pwedeng pwede. Wala naman silang pake sayo.
Bakit nga ba gusto nila dito?
Ito kasi ang mundo na malayo sa mapanghusgang mga mata ng tao pero asal hayop.
Malaya kang gawin lahat ng gusto mo.
Ang saya diba?
Hindi kagaya sa totoong buhay na limitado lang ang kaya mong gawin.
Mahirap magkamali, kasi huhusgahan ka nila agad.
Kung wala kang taglay na magandang pagmumukha at katawan, lalaitin ka agad.
Pangalan lang ang alam nila sayo, pero pakiramdam nila batid na nila ang buong pagkatao mo.
Away at Gulo. Hindi ba nakakasawa yun?
Pero sa Fake World na to, pwede kang makahanap ng kaligayan.
Malaya kang gawin lahat ng nais mo. I-report mo mga account nila hanggang sa magsawa ka. Pero wag ka lang magpapahuli, kasi baka ipakulam ka nila.
Role Playing World - Mundo ng pagpapanggap
Sa bawat nilalang na makakasalamuha mo, may nakatagong ibang pagkatao.
Ibang-iba sa mukha na nakikita mo sa mga litrato.
Ibang-iba sa katauhan na ipinapakita nila sayo.
Gusto mong malaman ang totoong katauhan niya? Ikaw bahalang mang-ungkat nun sa kanya kung papayag siya.
Walang magugulat.
Walang mabibigla.
Handa ka ba?
___________________________________________
PS: Iba ang poser sa rper. Punyeta ka. Wag mapilit, baka sakalin kita.
PSS: Kung wala kang alam sa mundong ito, better na wag mo nang ituloy ang pagbabasa. Hindi ka makakarelate.
•Feel free to read
•Feel free to leave
PSSS: Role Playing World do really exist on facebook.
Paano kung dumating ang oras na magkita kayo? Wala ng screen na nakaharang, distansyang milya milya at keyboard na hindi nagsasalita.
May bisa pa rin ba ang rs na nabuo nyo sa pekeng mundo? May kahulugan pa rin ba ang mga salitang nakalathala sa inbox nyo? At buo pa rin ba ang pinangarap nyong pamilya?
Kung oo ang sagot nyo, napaka buti mong tao.
Kung hindi naman, masunog Ka na sa impyerno.
Sa mga hindi ko alam ang sagot, napaka walang kwenta mong tao.
Kung ano man dyan ang sagot nyo, wala pa din kayong magagawa kung tadhana na ang nagtakda.
Dahil RPW
Turns to Reality..
At hindi ito normal na meet up o eyeballing lang. Dahil ang magiging mundo nila ay mapupuno ng aksyon at bakbakan.
Eye for an eye.
Blood for a simple wound.
Life for a cause.
And death for those badass.
Killing is legal.
Brutality is a must.
Poisons for every one.