"May lalaki pa bang matino? Yung hindi ka sasaktan at ipagpapalit? Yung gagawin ang lahat maging masaya ka lang? Maglalaan ng oras para sayo, tipong patuloy kang iintindihin sa mga oras na ikaw ay nagiging sumpungin, magsisikap para lang lumabas ang ngiti sa yong mga labi, at higit sa lahat ibibigay ang pagmamahal ng walang pasubali?" Marami ng tanong tungkol sa pag-ibig ang minsan ng bumabagabag sa ating isipan. Mga tanong na patuloy paring hinahanap ang sagot. At sagot na minsan nang nagpasakit ng ating damdamin, na sana ay di nalang nahanap ang sagot sa mga katanungan. Ngunit hihinto ka nalang ba? Makokontento ka nalang ba sa iisang sagot? Paano kung meron ngang matinong lalaki? Paano kung ang kailangan mo lang ay magtiwala? Sumugal? At higit sa lahat ang pagsunod ng iyong puso. Si Alexis Lattiada ay isang simpleng babae na walang hangad kundi ang mapabuti ang kanyang pamilya. Sikap at determinasyon ang kanyang naging puhonan para maabot ang pangarap. Sa pagpasok sa matayog na paaralan, ay makikilala niya si James Alfuentero. Isang lalaking minsan na ding umibig at nasaktan. Sa di inaasahan, pag-ibig ang namuo sa kanilang dalawa. Ngunit sa takot na maulit ang sakit, sa takot na baka ang pag-ibig ay kukupas din balang araw ay itinago at binaliwala ang nararamdaman. Hanggang kailan magtitiis sa pag-ibig na akala'y walang dulot kundi pighati at sakit? Paano kung ang pag-ibig nayon ay siyang matagal ng sagot sa tanong ng pag-ibig? Paano kung huli na ang lahat? Paano kung tanging luha na lang ang magbibigkas ng lahat?All Rights Reserved