The Greatest Revenge

The Greatest Revenge

  • WpView
    LECTURAS 9
  • WpVote
    Votos 0
  • WpPart
    Partes 1
WpMetadataReadContenido adultoContinúa
WpMetadataNoticeÚltima publicación jue, jul 13, 2017
Napahagulgol na lamang ako sa mga naririnig ko ngayon na naggagaling sakanya. Bakit? Bakit niya ako pinaniwala na siya 'yon? Ang lalaking mahal ko. Kahit nanghihina ay pinilit ko pa ring magsalita. Gusto kong tanungin kung bakit niya ginawa sakin 'to. "B-bakit? Bakit mo ako pinaniwala na ikaw siya? Bakit mo ako pinaniwala na ikaw ang lalaking mahal ko?" Naiiyak ako, masakit sa puso ang ginawa niya. "Dahil gusto kong maghiganti." Malamig na pagkakasabi niya. Nakatingin lamang siya sakin na blanko ang ekspresyon. Bakit naman siya maghihiganti sakin? Gayung wala naman akong naaalala na may ginawa akong masama sakanya, kaya ba't siya maghihiganti? Argh! Litong-lito na ako! Gusto ko nang matapos ito. Tinanong ko pa siya. "Wala akong ginagawang masama sayo, bakit ka maghihiganti saakin?" Sa hina ng pagkakasabi ko ay tila pabulong nalang, ngunit narinig niya pa din ito. "Sakin wala, pero sakanya meron!" Ngayon, nagtaas na siya ng boses sakin. Nakikita ko naman ang umuusbong na galit sakanya. "A-anong kasalanan ko sakanya? Sabihin mo na ng matapos na 'to! Please lang, p-pagod na pagod na ako." Napalakas na ang pag-iyak ko. Hindi ko na kayang pigilan pa ito. "Sige, ipapaliwanag ko sayo lahat, lahat-lahat. Una, iniwan mo lang naman siya para sa isang lalaki mo. Pangalawa, nang dahil sayo, araw-araw, gabi-gabi, umiinom siya dahil gusto niya na makalimutan ka! Pangatlo, dahil sa sobrang sakit na nararamdaman niya, Nagpakamatay na lang siya upang hindi na makaramdam ng kirot pa sa puso. Kaya sige sabihin mo nga, 'yan ba yung walang kasalanang ginawa? Nang dahil sayo, napariwara siya! Kaya ito ang tatandaan mo, hinding-hindi kita mapapatawad sa ginawa mo." Hindi, h-hind totoo lahat ng s-sinabi niya! Hindi ko siya iniwan para sa ibang lalaki, nagkaka-mali siya, hindi niya alam ang dahilan...
Todos los derechos reservados
Únete a la comunidad narrativa más grandeObtén recomendaciones personalizadas de historias, guarda tus favoritas en tu biblioteca, y comenta y vota para hacer crecer tu comunidad.
Illustration

Quizás también te guste

  • CROOK THE STRAIGHT 2 (COMPLETED)
  • Vanilla's Poser Girl
  • Our Asymptotic Paths(COMPLETED)
  • Taste Of Love
  • Psalm Crane (My Kind Of Honey)
  • Loving Aria
  • Ampogi Kong Misis!
  • I'ts All Coming Back
  • I'M PREGNANT (COMPLETED)
  • Bully - SHE

"Don't worry Skye, I canceled that arranged marriage already. Wala ka ng dapat pang ipag-alala. Sinisigurado ko, 'di ka na ulit pa nila maitatali sa akin. I'll be happy for you and for my cousin." I smiled, pilit na pinipigilan pa rin ang mga luhang nagbabadya ng lumabas sa aking mga mata. "Moon, t-teka. Look I'm very sorry kung nasaktan man kita. Hind-" "Hindi mo na kailangang magpaliwanag pa. Naiintindihan ko. I only want you to be happy even without me. Thankful na ako sa mga pagkakataong hinayaan mo akong mahalin ka. Masaya na akong naranasan ko rin ang mahalin mo sa loob ng halos isang buwan. Thank you, Skye." "Moon sana mapatawad mo ako." Nakita ko ang pagtulo ng luha niya mula sa kanan niyang mata. Kusa nang gumalaw ang mga paa ko palapit sa kanya upang punasan ang luha niya. Isang mataman na tingin lamang sa akin ang ginawa niya matapos kong punasan ang kanang pisngi niya. "I want you happy, okay? I love you. But you don't love me. I understand." I smiled to her with all of my heart. I kissed her forehead and held her left hand. Kinuha ko ang singsing na naroroon sa kanyang ring finger saka ko binitiwan ang kamay niya. "What are you going to do with my ring?" Dikit ang mga kilay na tanong niya sa akin. "This isn't yours anymore." Sabi ko at mabilis nang tumalikod, leaving her there. This is not her's now. I knew I already told her about this... that I'm going to give this to the one I'll marry someday.

Más detalles
WpActionLinkPautas de Contenido