Ako si Stephanie Cruz (Park Shin Hye), ay kababata ng isang sikat na STAR na si Franz Roff, ang siyang magkukwento kung paano niya haharapin ang mga challenges sa buhay. Si Franz na mula pagkabata ay natutunan ko nang mahalin. "Hoy, Steph! Wag na wag kang makalapit pa ulit sa akin. Ayoko sa iyo! Ayokong crush mo ako." Kinakabahang taboy niya sa akin. "Talaga? Baka balang araw ligawan mo ako, ha?" Sagot ko sa kanya. "Ikaw? No way! Ayoko sa iyo! Never! Itaga mo sa bato, hinding hindi ako magkakagusto sa iyo." Confident na sabi niya. "Saka ang pangit-pangit mo eh." Dagdag pa niya. "Ito ang tatandaan mo. Sa oras na manligaw ka sakin balang araw, sisiguraduhin kong babastedin kita." Nakasimangot na sabi ko. 'Someday you will fall for me, Franz!' Bulong ko sa hangin. Let's read this at alamin natin kung mapapangatawan ni Franz ang kanyang sinabi.