Ang PAIN ay laging parte ng pagmamahal, ang PAIN ang nagsisilbing main ingredient sa pagmamahal. Simple ang buhay ko, ako yung tao na kuntento sa maliit na bagay. Ako yung taong masaya sa katiting na nagawa ng taong mahalaga sakin at ako yung taong malaki ang tiwala at mapagmahal sa partner ko pero hindi ko aakalain na sa kabila ng lahat nang pinaramdam ko sa kanya ay magagawa niya padin akong lokohin at ipagpalit sa iba and worst one of my bestfriend pa! Pinaglaban ko siya pero matatalo pala ako sa salitang "I like you but i love her! I tried to love you but I can't" bullsh*t! Kahit kailan hindi pinagaaralan ang pagmamahal kase nararamdaman yun. NARARAMDAMAN! Paano kung dumating yung araw na makilala niya ang lalaking mamahalin siya? Handa na ba siya uli? Paano kung dumating yung araw na babalik yung ex niya at ipilit na magkabalikan sila? Anong gagawin niya? Anong pipiliin niya ang past o present? Magagawa pa ba niyang maniwala sa forever?