Si Lt. Fox o RJ sa iilan, ay sinubok ng kanyang tungkulin bilang isang US Navy SEAL na pinadala sa Abuja, Nigeria upang iligtas ang isang doktor mula sa mga militanteng rebelde. Ngunit sa pagtatapos ng kanyang misyon, ang akala nyang maayos na buhay na kanyang babalikan ay dinurog ng sunod sunod na kamalasan. Magawa nya pa kayang ipagpatuloy ang kanyang laban kung ang malaking parte ng kanyang buhay ay kanyang nakalimutan. At sa kanyang muling pagbangon mula sa kanyang kinasadlakan muli pa kaya nyang mabawi ang lahat ng ito? Paano nya makakayanang harapin ang kinabukasan at muling buohin ang pira-pirasong bahagi ng kanyang nakaraan. Magawa pa kaya nyang tumayo o habang buhay na pagdudusahan ang pait ng kanyang naging kapalaran?