SIYA! Siya ang taong bumago ng buhay namin. Ng buhay KO! Binago niya ang lahat-lahat ng nakasanayan ko. Siya lang ang nagparamdaman sa akin ng ganito at ako'y naninibago! Siya lang ang nakagawa ng mga bagay na hindi nagagawa ng kahit sino. Siya ang dahilan kung bakit nagkakaganito ako ngayon. Ano ba ang ginawa niya at ganito na lang ako kung umasta? Ano ba ang meron siya na wala sa iba? At bakit sa tuwing nakikita ko siya ay ayaw ko siyang makita pero sa tuwing hindi ko siya nakikita ay hinahanap ko siya? Ano ba ang ginawa niya sa akin? Sino ba siya para magkaganito ako ng dahil sa kanya? Sino siya para baguhin ang takbo ng buhay ko? Sino siya para magkaganito ako ng husto at sino ba siya para SAKTAN ako?!
-The question is, WHO IS SHE??