Forever Be My Love
  • Reads 24
  • Votes 0
  • Parts 2
  • Reads 24
  • Votes 0
  • Parts 2
Ongoing, First published May 08, 2017
Andrea Marie Santos

Masakit! 
Sobrang sakit! Pero yun lang ang alam kong paraan para hindi na kami lalong masaktan pa. Nagawa ko yun dahil naisip kong mas lalo kaming mahihirapan at masasaktan kapag ipagpapatuloy pa namin.

Pagkatapos ng ginawa kong desisyon ay halos nawalan ako ng ganang mag-aral. Natutulala, minsan, napapaluha na lang bigla at walang ganang kumakain. Kapag naaalala ko siya ay napapaiyak ako hanggang sa makatulog. Lagi ko siyang iniisip. Pero sa tulong ng mga bago kong kaibigan ay unti-unting nawala ang sakit na nararamdaman ko. Bumalik ang sigla ko at nagawa ko ulit maging masaya. May mga araw na iniisip ko siya at napapangiti na lang ako sa mga alaalang kami ay naging masaya. May mga nanligaw rin sa akin pero lahat sila ay binalewala ko. Hindi pako handang magmahal dahil alam ko sa sarili kong SIYA pa rin ang laman ng puso ko.

James Jaime Llanes

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagpakalasing ako para mawala ang sakit na nararamdaman ko. Sobrang sakit ng ginawa niya. Parang hinihiwa ang puso ko sa maliliit na piraso. Sinubokan ko siyang tawagan at itext para sabihing bawiin niya ang mga sinabi niya pero wala akong sagot at reply na natanggap. Ginawa ko lahat ng paraan para makausap siya pero wala pa rin. Siguro... Siguro nakalimutan na niya ako at hindi na niya ko mahal.

Itinuon ko ang sarili ko sa pag-aaral. Naging inspirasyon ko ang pamilya ko para bumalik ang dating ako. Naging masaya naman ako pero minsan ay bigla ko na lang siyang naiisip. Pinupuntahan ko ang mga lugar kung saan kami namamasyal at naging masaya. Napapangiti na lang ako sa tuwing naaalala ko ang lahat. Kung kami talaga ang para sa isa't isa, KAMI HANGGANG HULI.
All Rights Reserved
Sign up to add Forever Be My Love to your library and receive updates
or
Content Guidelines
You may also like
Slide 1 of 1
TOTGA (Candy Stories #4) (Published under Bliss Books) cover

TOTGA (Candy Stories #4) (Published under Bliss Books)

54 parts Complete

Engineering students Pfifer and Ivan know that what they have is something special. Without a proper label between them plus an ugly twist of fate, can they manage to be together in the end--or will they remain as each other's TOTGA and nothing more? *** May feelings na laging nandiyan, nakaabang kung kailan magpapapansin. Nakaabang kung kailan ako titisurin sa mga pamilyar na kanta, lugar, at salita. Magpapaalala sa isang mukha na hindi ko naman gano'n kakabisado pero pamilyar. Magpapaalala sa mga dating pakiramdam. Malalaman mo raw kung sino ang The One That Got Away mo kapag narinig mo 'yong salita at nakaalala ka ng iisang tao lang; nakatisod ka ng mga dating pakiramdam; nangulila ka sa mga nakaraang saya; nakaalala ka ng mga pamilyar na sakit. Sabi, time heals wounds at distance makes one forget. Bakit parang hindi naman effective? Bitbit ko pa rin lahat ng what if. Hindi pa rin ako makatakas sa maraming sana. Ako ba ang bumitiw o siya? Tapos na ba kami talaga? Ang sarap magtanong kaso...wala nga palang kami noon. Disclaimer: This story is written in Taglish.