"Gusto ko ng normal na buhay. Normal na ginagawa ng isang 18 yrs.old na babae...'yun bang malaya mong gawin ang lahat ng gusto mo bilang teenager. Yung hindi mo iniisip ang gustong isipin ng iba, dahil nga hindi ka naman normal na tao. Oo. Isa akong Imortal mula sa aking nakaraan at nagmahal sa isang mortal na noo'y nakasama ko na pala at minahal mula sa aking nakaraan. Ngunit, tila yata na hindi na talaga kami magkakasundo ng tadhana? Masaya na sana kung walang kapalit ang lahat sa mundong ito para hindi mo na ginawa ang isang bagay na ikakasakit lang ng inyong mga damdamin. Sana hindi mo na lang binura...sana hanggang ngayon, naaalala ka parin niya at ang mga sandaling ala-ala ng inyong pag-iibigan.."