Prolouge
Paano kung takot kang masaktan? Paano kung takot ka ng magmahal? Ngunit may isang taong dumating kung kaylan hindi mo inaasahan?
Nangako syang hindi ka iiwan at sasaktan. Nangako syang hindi katulad ng ibang mga lalaking nakilala mo. Nangako na ikaw lang habang buhay. Ngunit sa pagkakataon na naniwala ka na at nahulog kana sa matatamis nyang salita bakit tila lahat ng pangako nya biglang nawala?
Naniniwala kabang first impression, last? Yun bang naramdaman mo na sa umpisa pa lang na masasaktan ka ngunit mas pinili mo pa rin tumuloy. Other than that, hindi mo naman talaga malalaman hanggat hindi mo nararanasan.
Susugal kaba sa pagibig kahit na alam mong masasaktan ka? O magbubulag-bulagan ka nalang upang magkaroon sila ng pagkakataong saktan ka?
Kung ikaw si Shannon Sarmiento magpapasalamat ka pa rin ba sa taong nagbigay sayo ng pinakamasayang karanasan sa buhay pagibig ngunit pinakamasakit rin?
Magpapasalamat ka pa rin ba kung ang dahilan ng pagiging matapang at palaban mo ngayon ay ang taong nanakit sayo noon?Todos los derechos reservados