Lahat naman siguro kayo naranasang munang maging single bago naging taken or bago nagka gf/bf diba ? Kasi kung hindi, Ano yun pagka-iring pagka-iri ng nanay mo sa'yo may karelasyon ka agad ? Amazing ! Ano tag landi ? Agad agad ? Excited ? MAUUBUSAN ? Hahaha 'Chos lang. Malamang diba hindi. Lahat tayo nag uumpisa sa WALA. Walang alam. Walang kasintahan. Walang kasuyuan. Walang kalandian. Walang pagmamay-ari. Kaya alam kong alam nyo na alam nating lahat kung ano ANG BUHAY NG SINGLE. Si Chelsea A. Salazar kaya ? Magiging forever single na lang ba ? Di naman siya mukhang alien pero bakit di niya alam ang feeling na main-love ? Sino kayang nilalang ang magagawang makapag-parealize kay chelsea na Love is real, That Love do really exist ? Sabay sabay nating tuklasin kung paano magbabago ang status niya into taken from SINGLE.