From Fan to Fam: My BTS Seoulmate Story
76 parts Complete Jackie Garcia, isang simpleng dalagang anak ng magtitinda ng gulay sa palengke, ay isang pangarap na lang noon ang makapunta sa South Korea at makita ang BTS. Isang cum laude graduate ng Bachelor of Secondary Education Major in Science sa isang prestihiyosong unibersidad at Licensure examination passer, tahimik lang dapat ang summer vacation niya bilang isang guro. Ngunit isang alok mula sa best friend niya ang nagbukas ng pinto sa panibagong yugto ng buhay niya-isang BTS concert sa Seoul.
Pagdating sa Korea, hindi inaasahang hindi na natuloy ang kaibigan niya. Mag-isa, pero pursigidong tuparin ang fangirl dreams, nanood siya ng 3-day concert. Ngunit sa huling araw ng concert, pagbabalik niya sa apartment, tumambad ang isang masaklap na tanawin-nasa labas na lahat ng gamit niya. Sa mainit na pagtatalo sa landlord, nasunog ang lahat: gamit, pera, at maging ang passport niya.
Walang malay siyang bumagsak sa bangketa. Pero sa hindi inaasahan-isang himala ang nangyari.
Napadaan ang BTS.
Nang makita nila si Jackie, nanghihina at walang malay, hindi sila nag-atubiling tumulong. Kinupkop siya nina Jungkook, SUGA, at ng buong grupo. At doon nagsimula ang bagong kwento ng buhay niya-bilang assistant ng BTS.
Pero habang tumatagal ang pananatili niya sa piling nila, may nararamdaman siyang hindi niya inaasahan. Puso niyang dati'y fangirl lang, unti-unting nahuhulog. Lalo na kay Jungkook... na tila may tinatago ring damdamin para sa kanya.
"Paano kung ang simpleng fangirl ay maging bahagi ng mundo ng mga iniidolo niya?"
"At paano kung puso niya ang pinaka-mahalagang stage na kailangang harapin?"
🌸 Genre:
Romance | Drama | Slice of Life | Fangirl Dream Come True | Multilingual (Tagalog, English, Korean)