Mayaman, matalino, maganda - tulad ng isang kanta, masasabing nasa kanya na ang lahat. Grace Javier is a nineteen year-old lass born with a perfect life (ika nga, sabi ng mga taong nakapaligid sa kanya). Ang hindi nila alam, gabi-gabi ay napakarami niyang tanong na bakit. Bakit kailangan mambabae ng kanyang ama? Bakit kailangan magpakalulong sa alak ang kanyang ina? Mayaman naman sila. Nabibili ang lahat ng gustuhin ngunit bakit? Bakit hindi nila magawang maging isang masayang pamilya? At kahit anong gawin niya, hindi niya mahanap ang tamang sagot. Ngunit nagbago ang lahat simula nang makilala niya si Raphael.