Ang ordinaryong buhay ni Agape ay magugulo sa paglabas ng mga sikreto, sa isang iglap ay mawawala ang lahat sa kaniya. Isang makabagong mundo ang pilit niyang hahamakin na kailanman ay hindi sumagi sa kaniyang isipan , isang mundo na pilit ipinalimot sa kaniya. Lalo pang- lalala ang lahat nang mas naging mainit ang pagpuntirya sa kaniya ng mga kalaban dahil sa kaniyang natatanging kakayahan, isang mapangahas na kapangyarihan na matagal ng naglaho. Paano niya pipigilan ang nagbabadyang pagdating ng isang apokalipto? Isang bagay na sinasabing tatapos sa lahat, isasakatuparan ito ng isang malakas at madilim na mahika na maaring hindi magapi ng kahit na sino pa mang nilalang. Kayanin niya kayang mabuhay sa kanyang bagong mundo? [Age of Metanoia - May, 13, 2017 ]