Ang Maldita Kong Girlfriend: Sister's Rivalry
31 parts Ongoing Doulogy Series #2
Kahit mahal mo ang isang tao, kung may minamahal na siyang iba, hindi na dapat gulohin pa. Ngunit ang damdaming iyon ang unti-unting nagpakabaliw sa kanya-at wala na siyang pakialam kung sino man ang masaktan, kahit sariling kapatid.
Si Trisha na laging sinusuportahan at iniintindi ang anino ng kaniyang kapatid. Matagal na niyang pinipilit na hindi madududa, na huwag gawing malisya-ngunit paano kung ang tanging lalaking minahal niya ay unti-unting nahulog sa bisig ng taong pinakamalapit sa kaniya?
Si Clarity, sanay sa atensyon at paghanga ng iba. Ngunit sa likod ng kaniyang mga ngiti ay may lihim na pananabik na kailanman ay hindi niya ibinahagi-ang kagustuhang siya lamang ang piliin, kahit kapalit pa ang kapatid na minsang tinawag niyang kaibigan.
Sa pagitan ng pagmamahal at pamilya, walang madaling desisyon. Sapagkat kapag puso ang nasugatan, kahit sariling dugo ay kayang talikuran. At sa digmaang ito ng dalawang magkapatid, sino ang mananaig-ang pagmamahal, o ang pagkakapatiran?