Naiwan ang lahat ng kayamanan kay Samantha Joie nang pumanaw ang kanyang mama. Kabilang na ang Bank Empire, ang chain of banks na pinalago at pinalawak ng mama niya. Ngunit hindi iyon mapapasakanya hanggang hindi sya nag-aasawa! Tuluyan lamang niyang makukuha ang mana niya kung sya ay makakapag asawa sa loob ng dalawang buwan. Nathan Steve Alejandro, ang nagiisang tagapag mana ng Hacienda Tierra Florenza. Ang makakatulong kay Sam para makuha ang mana nito. Mapagtagumpayan kaya nila ang itinakda ng tadhana kung sa unang pagkikita ay para na silang aso at pusa?