9 yrs old pa lang sila Haliah at Stephen nang sila ay maging magkaibigan. Saksi ang puno ng Narra sa bakuran nila Haliah sa saya at kalungkutan nilang dalawa. Doon ay may isang maliit silang tree house kung saan sila naglalaro, nagtatawanan, nag iiyakan, nag aasaran, nagaaway, at sa kabila nito ay may ipiningako sila sa isa't-isa na kanilang panghahwakan. Sa puno ng Narra ay doon nakaukit ang kanilang pangalan kung saan kapag dumating ang takdang panahon ay sila'y magsusumpaan sa harap ng Diyos. Dumating din ang araw na kailangan nilang tuparin ang kani kanilang mga pangarap at sila rin ay nagkahiwalay. Lumipas ang mga taon, hindi na sila muling nagkita. Ngunit, sa tagal ng panahon, maalala pa ba nila ang kanilang inukit na pagmamahalan sa isa't-isa? o mananatili na lang na ukit na lang sa panahon ang mga nagdaan? (ONE SHOT ONLY)