Meet Ness. Katulad ko, at baka katulad mo rin, siya ay isang estudyante. Ilang araw na lamang ay magtatapos na siya sa Junior High School. Isa sa mga gabi ng mga nalalabing araw na iyon habang siya ay nagpapahinga, napaisip siya kung paano niya gagawing makabuluhan ang mga natitirang araw. Walang ano-ano'y sumagi bigla sa isip niya ang tungkol sa mga naging karanasan niya ngayong taon, ngayong Grade 10, ang school year na naturingan niyang 'wild' na siya ring kanyang sasariwain para sa ating lahat. Ito ay hindi lamang tipikal na kuwento ng mga estudyanteng nagsipag, nagsunog ng kilay, maagang pumasok sa eskwela, nagkacrush, nagmahal, nasaktan, nagmove on, gumanda, nangopya, nagcutting class, nahuli sa pagpasa ng requirements, nagkalat, napagalitan ng teacher, naglinis ng classroom. Ito ay kuwento ng mga estudyanteng Pilipino ng makabagong milenyo na patuloy na dinidiskubre ang kanyang pagkatao at pinapalago ito kasabay ng patuloy ring pakikibaka sa agos ng buhay.
4 parts