The Seven Boy's Make-Up Artist by: jhxtnx Tahimik ang buhay ko bilang isang make-up artist ng isang sikat na boy band group na 'Bangtan Sonyeondan'. Na may pitong myembro. Sila Kim Namjoon (Rapmonster), Kim Seokjin (Jin), Min Yoongi (Suga), Jung Hoseok (Jhope), Park Jimin (Jimin), Kim Taehyung (V) at Jeon Jungkook (Jungkook). Wala na akong ibang hihilingin pa. Kilala ako sa larangan ko. Ngunit, isang araw, nangamba na lamang ako bigla. Hindi ko akalain na sa pagdilat ko ng mata ko nung araw na yun nagkagusto ako sa kliyente ko. Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko, maiwasan lang ito. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Hinayaan nito ako magkagusto dito at tuluyang mahalin ito. Nasaktan, umiyak at nawala ako sa sarili ko nung malaman ko ang lahat. Akala ko mahal niya ako. Akala lang pala. Ginawa ko ang lahat ng bagay na alam kong kaya magtanggal sa kanya sa isip at puso ko. Madali lang pala ito. Nakamove-on agad ako. Akala ko magiging sira na ang buhay ko pero nagkakamali ako. May nagmamahal pa pala sa akin. At nagpapasalamat ako dahil nandiyan siya para tulungan ako. Dumating siya. Dumating siya kasi alam niyang kailangan ko siya. Kahit nasasaktan siya, sumugal siya. Mabilis lang ako nagkagusto dito. Mali. Mahal pala pero natatakot ako. Natatakot akong baka saktan din ako nito pagnalaman niya na mahal ko siya. Natatakot akong iwan niya. Natatakot akong mawala siya sa akin. Makakaya ko ba? Makakaya ko bang sumugal ulit? Makakaya ko bang masabi sa kanya ang tunay na naramdaman ko? Sana. Sana magawa ko. At sana, sa sana kong ito hindi na ako masaktan pa. Wag mo SANA akong paglaruan tadhana. Dahil kahit anong mangyari ako pa rin ang 'THE SEVEN BOY'S MAKE-UP ARTIST'.