Alam ko kung ano ang mga nangyari. Hindi naman ako sira-ulo para sabihin sa sarili ko na wala kayong relasyon at niloloko mo na ako- pero sana, maaari ko iyong gawin. Yong halik sa binigay mo sa labi niya, alam ko totoo yon. Yong yakap na binigay mo sa kanya noong inaakala mong nauna na ako umuwi alam ko sadya yon. Pero kailan pa nga ba yan? Kailan niyo pa ako niloloko?