The BERNERS: Series #1 Volume 1
Isang grupo ang nabuo hindi dahil sa pagkakataon, kundi dahil sa sakit na iniwan ng mga masasamang tao sa kanilang buhay. Pinagbuklod sila ng pagkawala at galit-isang panata na hindi lang para sa hustisya, kundi para sa paghihiganti.
Sa kanilang paglalakbay, unti-unting lumitaw ang kanilang mga natatanging kakayahan-mga lakas na naging sandata sa laban. Sa bawat hamon, mas tumitibay ang kanilang samahan, at ang galit ay nagiging lakas upang ipaglaban ang tama.
Hindi sila matitinag. Sa likod ng kanilang paghihiganti ay pagkakaibigan, pagkakaisa, at isang layuning mas malaki kaysa sa sarili nila.
"United in purpose, unstoppable in action."