"Sam, I love you. I really love you. Mga bata pa lang tayo mahal na kita. Hindi to pagmamahal bilang isang bestfriend o kapatid. I really do love you." Tumayo siya at bakas sa mukha ang gulat. San ko ba nakuha ang lakas ng loob ko para aminin sa kanya to. "Jess, are you crazy?" bigla ko naiangat ang ulo ko sa narinig ko. Nakasandal siya sa bintana at nakatingin sakin. Madilim ang mukha niya dahil nakatapat ako sa liwanag ng araw kaya di ko halos makita ekspresyon niya. "You love me? Your only 15 for pete's sake! Kapi 15 mo nga lang eh!" medyo nairita ako sa sinabi niya. "Yes I love you. Why can't you believe me? I don't care kung 15 palang ako. Mahal kita Sam. Totoong mahal kita." hindi ko makita ang expression niya. Nang masabi ko yun bumagsak na naman ang mga luha ko. "Your like my sister. Yes, I love you too pero bilang kaibigan at kapatid lang. Look Jess, I don't wanna loose you." sambit niya. He really do loves me pero bilang kapatid lang. This is the worst bday for me. Lumapit siya sakin at niyakap ako. Niyakap niya ko ng mahigpit. Wala na kong nagawa at isinandal na lang ang aking ulo sa dibdib niyang malapad.