Si nanay ang the best,
Si nanay ang walang katulad,
Si nanay ang may alam ng tama para sayo,
Si nanay ang gagabay sayo,
Si nanay ang nagalaga sayo nung baby ka at
Dahil kay nanay nasa mundo ka
Pero..........
Pano naman si tatay?
Si tatay na lasingero,
Si tatay na naninigarilyo,
Si tatay na nagsusugal,
Si tatay na babaero at
Si tatay na sinasaktan si nanay.
Ganun ba yun?
Pag kay nanay positibo,
Pag kay tatay negatibo?
Pero tandaan mo,
Kung hindi din dahil kay tatay wala ka sa mundo.
Oo, may ilan ngang ganyang tatay
Pero may ilan din namang hindi.
Walang perpektong tao,
Kaya kung ako sayo
Mahalin ko ung tatay mo,
Hangat may tatay ka pa.