Freya was satisfied with what she did achieve in her career, dahil alam niyang hindi biro ang lahat ng kaniyang pinagdaanan para makamit ang pagiging isang magaling na primera kontrabida. She would say, her life was almost perfect. Not until cliden came into her life at lantaran nitong sabihing may gusto ito sa kaniya. Ngunit sinubukan niyang iwasan ito para na rin sa ikatatahimik ng buhay nila, dahil ayaw niyang makaladkad ang kaniyang pangalan at masira ang lahat ng kaniyang pinaghirapan. Batid niyang hindi siya ang babae na nararapat dito. Para itong prinsipe na gumaganap bilang bida sa isang fairy tale, samantalang siya ay siyang hamak na kontrabida lang. Cliden is out of her league. Kung baga ay hindi niya ito maaaring abutin. Ngunit kahit anong gawin ni freya ay hirap siyang itulak ito palayo. Sinabi pa nito na mahuhulog din ang loob niya dito at siya mismo ang hahanap sa presensya ng binata, na mukhang nagkaka totoo nga yata. Dahil pagkatapos ng isang gabing may nangyari sa kanila, parang hinahanap hanap na ng sistema niya ang bawat halik at mga yakap nito.